Kaya ba ito gamit lang ang cellphone?
Oo. Kaya lahat gawin sa phone basta may sapat na storage, internet connection, at naka-install na Canva app.
Total beginner ako, walang experience. Okay lang ba?
Sobrang okay. Lahat ng Vylo course ay ginawa para sa nagsisimula sa zero, at nandiyan ang community kapag kailangan mo ng tulong.
Hindi ako techie. Kakayanin ko ba?
Oo. User-friendly ang mga tools at hakbang-hakbang ang lessons kahit sa pinaka-basic na edits.
Guaranteed ba ang kita kapag nag-enroll ako?
Walang negosyong pwedeng mangako ng kita. Nakadepende ito sa effort at consistency mo — ang course ang magbibigay ng malinaw na roadmap.
Kailangan ba talagang mag-post sa social media?
Oo. Hindi mabibili ng tao ang hindi nila nakikita. Ang consistent at valuable na posting ang gagawing benta ng listing mo.
Nahihiya akong mag-post. Ano ang pwedeng gawin?
Gumawa ng hiwalay na account para sa business mo, o gamitin ang faceless marketing — may kumpletong guide kasama sa course.
Paano kung zero followers pa ako?
Normal na simula iyan. Kahit maliit na audience, may benta pa rin basta consistent ka mag-post at tama ang marketing.
May kailangan bang i-recruit o mag-invite ng tao?
Wala. Hindi ito referral o networking scheme. Kumikita ka purely sa pagbenta ng digital products.
May age requirement ba?
Wala. Welcome ang mga estudyante, magulang, empleyado at freelancers.
Paano ako makakapagsimulang mag-benta?
Kailangan mo ng digital product. Pwede kang gumawa ng sarili mo, o bumili ng Vylo course at i-resell ito bilang sarili mo nang may buong rights.
Kailangan ba talagang gumastos para makasimula?
Optional ang mag-invest sa course — may libreng info naman online. Ang course ang magse-save ng oras mo dahil detalyado, step by step, at may direct support.
Bakit sulit ang course?
Wala nang hulaan: kumpletong lessons, proven marketing strategies, libreng webinars at tuloy-tuloy na coaching sa isang lugar.
May support ba pagkatapos bumili?
Oo. Kasama ang aftersales support mula sa Vylo team, at pwede kang mag-message anumang oras.
May subscription ba?
Wala. One-time payment lang na may lifetime access at unlimited reselling. 100% ng profit ay sa'yo.
Pwede ba akong magsimula agad pagkabili?
Oo. Available agad ang resources, step-by-step lessons at ready-to-sell products.